Tuesday, August 4, 2009

Chapter Seven: Part Five




She placed her shawl on the sand and sat on it. She listened to some songs from her Ipod, and felt the breeze touching her face. Mong and Aldo saw her.

“Puntahan mo yung misis mo.” Mong said jokingly.
“Pare, tama na, baka mapikon na si Leni. Mamaya, baka ikaw naman ang apakan niya.”
Aldo approached Leni and asked.

“Mukha kang gagawa ng music video ah. Ang kulang na lang background music. Teka,bakit hindi ka pa natutulog?”
“Hindi pa ako inaantok eh.Kumusta na yung paa mo?”
“Medyo, nagagalaw ko na.”
“Aldo, uuwi na ako next week.Kaso lang hindi pa ako handa bumalik sa amin.”
“Bakit naman?”
“Nag-enjoy ako dito. Tapos, pagbalik ko sa amin, haharapin ko na yung mga issues na naiwan ko.”
“Anu- ano ba yung mga yun?”
“Hindi kasi maayos yung paghi-hiwalay namin ng ex ko. Gusto daw niya ako kausapin pagbalik ko. Feeling ko, susumbatan niya ako dun sa ginawa sa taong pinalit niya sa akin.”
“Ano bang nangyari?”

She once again recalled their break up. Before she answered his question, tears fell from her eyes. Aldo lent his handkerchief and said.

“Leni, if you feel like crying, that’s okay. Wag ka nang mahiya sa akin.”


“To make the long story short, he dumped me on my birthday. He told me that, ‘magpahinga muna daw kami’. The next thing I knew, he was flirting with another girl. Then, his best bud, labeled me as a ‘has-been’. Graduation came; I took the chance to get even with Red. But, I displaced my anger towards that girl by pouring coke inside her bag.”
“Now, I completely understand why you got angry at me before. Nung nagbiro ako kung bakit ka hiniwalayan ng ex mo. Hindi nga biro yung ginawa ng ex mo sa’yo. He was probably the reason why I saw you crying inside the church.”
“When was that?”
“When you first arrived here and you accidentally left your scrapbook.”
“Yeah, I remember that. You’re right,he’s the reason why I’m crying then. By the way, how’s Carol? Hindi pa ba kayo, nag-uusap? ”
“Hindi pa eh, sinubukan ko siya tawagan, pero ayaw niyang makipag-usap.”
“Hayaan mo muna siya, kailangan mo muna sabayan yung sama ng loob niya. Ano ba ang pinag-awayan niyo?”
“Nagalit siya nung nalaman niya na hindi muna ako magtu-turo sa pasukan para alagaan ko si Lolo Celso. Ano daw ba ang ginagawa ko sa buhay ko, sabi niya. Parang hindi niya ako maintindihan.”
“Aldo, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon niyo? Ayokong mag-comment diyan. Ang masasabi ko lang ngayon, sana pag-isipan mo yung relasyon niyong dalawa. Lumalabas kasi, iniintindi lang niya yung sarili niya.”
“Bakit mo naman nasabi yan?”
“Halos ganyan kami ng ex ko nun.Galit-bati kami palagi. Sabi nga ni Nanay, alam niya na nahihirapan na ako sa aming dalawa dahil ako daw ang unang nag-aadjust.”
“Teka lang, bakit naman napunta sa akin yung topic? Eh tungkol sa’yo yung pinag-uusapan natin.”
“Ayoko naman na ako yung palaging pinapakinggan. Gusto ko rin naman makinig sa iba.”
“Leni, sa susunod na lang yun. Ngayon, gusto ko lang makinig sa’yo kasi malapit ka nang umuwi at baka hindi na tayo makapag-usap ng ganito.”
“Oo nga noh. Pagbalik ko sa amin, magiging abala na ako sa paghahanap ng trabaho.”
“Kaya nga samantalahin na natin yung pagkaka-taon na ganito.”
“Yuck, ano na namang kabaduyan yan?.”
“Ano ka ba Leni? Hindi ka na nasanay sa akin. Magka-kilala na tayo simula nung mga bata pa tayo. Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?”
“Tama nga si Adam at Faith, may dahilan talaga ang Diyos kung bakit niya ako dinala dito.Nung una nga, ayokong pumunta dito kasi akala ko maiinip lang ako.”
“Bakit?”
“Kahit hindi pa ako nakaka-recover sa break-up namin ni Red.Akala ko kasi wala akong pagkaka-abalahan. Na-realize ko na, may mga kaibigan pa pala ako na tatanggapin kung sino ako, bukod kila Adam at Faith. Gusto siguro ng Diyos na ituloy ko ang buhay ko kahit wala na kami ni Red.”
“Siyempre naman. Alam mo, kahit medyo pasaway ka, masaya ka pa rin kasama. Wag kang maniwala dun sa nagsabi sa’yo na isa kang ‘has-been’. Hindi totoo yun. Walang sense yung sinabi niya.”
“Salamat Aldo. Alam mo, isa na ata ito sa pinakamasayang summer ko. Minsan lang kasi ako makakitan ng mga totoong tao tulad niyo. Isang bagay lang ang ayokong nangyayari sa akin. Ayoko lang ng iniiwan ako ng mga taong importante sa akin.”
“Leni, kahit hindi ka namin palaging kasama.Kaibigan ka pa rin namin noh.”
“Naks naman, touch ako Aldo.”
“Bakit? Hinawakan ba kita?”
“Leni, salamat pala kanina sa pag-asikaso ng surprise party ni Dana. Wala kasi akong alam sa mga ganyan eh. Nahiya nga ako kasi ako ang pinsan niya, pero hindi naisip na bigyan siya ng surprise party.”
“Sus, okay lang yun. Masaya nga ako kasi nakapag-pasaya ako ng ibang tao. Hindi ko kasi naranasan na mag-debut tulad ni Ate Agatha, kaya binabawi ko na lang sa iba.”
“Teka, hindi ka nakapag-debut?”
“Oo,si Dad kasi hindi pumayag na maghanda ako ng engrande. Wag na daw ako makipag-sabayan sa mga ka-klase ko na mayaman. Kaya, binigyan na lang niya ako ng pera.”
“Pambihira naman pala yun. Bakit naman siya ganun? Dapat nga, naisip niya yun kasi nag-iisa ka lang na anak niyang babae. So, paano mo dinaos yung birthday mo?”
“Dapat lalabas kami ng mga kaibigan ko sa mall para mag bowling, kaso lang nagkasakit ako.
Nagulat na lang ako nang biglang dumating si Adam at Faith kasama yung ibang classmates namin. Nagpa-deliver na lang kami ng pizza, tapos yung iba may dalang pagkain. Dun lang kami sa bahay. In fairness, masaya naman kami nun. Hindi pa pala kami ni Red nun, hindi ko pa siya classmate.”
“Yun naman pala. Ang swerte mo sa mga kaibigan mo.”
“Oo nga eh. Todo-alaga silang dalawa sa akin kasi binilin ako ni Nanay sa kanila bago siya mamatay. Nakakatuwa nga eh, kasi mas nakikinig pa minsan si Nanay sa kanilang dalawa kaysa sa akin.”
“Ang ibig sabihin lang niyan eh, gusto ni Nanay ang mga kaibigan mo. Alam mo, gusto ko makilala sila Adam at Faith. Sisiraan kita sa kanila.Hindi pa siguro nila alam na umaakyat ka ng gate nung bata ka pa para makapag-laro.”
“Ang sama mo naman.Siyempre mas maniniwala sila sa akin noh.”
“Uy, biro lang ah. Baka mapikon ka na naman sa akin.”
“Hindi naman. Okay lang yun.”
“Mabuti naman at nakaka-ngiti ka na ngayon. Nung mga unang dating mo dito, parang pasan mo ang mundo.”
“Siyempre, hindi ko naman basta-basta nakaka-limutan si Red. Kahit masakit yung paghihiwalay namin, naaalala ko pa rin siya. Sa kanya ko kasi unang naramdaman na special ako Na sa wakas, may pumansin sa akin..Hindi ko lang alam kung saan ba talaga ako nagkulang.”
“Naintindihan ko yon Leni. Pero sa tingin ko, wala kang kasalanan.Mapapagod ka lang kung ipi-please mo lahat. Di bale, may ibang tao na mas magbibigay ng halaga sa’yo.”

The two were silent for a while. Aldo stared at the sky. Leni, on the other hand glanced at her cell phone and checked if there were messages for her. He enjoyed having her around but he
wasn’t sure if he’s getting attracted to her. All he knows is that the little girl that he knew has grown up. Some things might have changed between them, especially after the presentation. She felt comfortable with Aldo, but she somehow finds it impossible to fall for a guy like him. He’s so plain, so ordinary. Not the type of person that he wanted. She was more drawn to guys who have a bad-boy streak, like Red.

Leni was replying to Faith’s message when she caught that Aldo kept staring at her. To break the ice, she asked.
“Aldo, may dumi ba ako sa mukha?”
“Wala”
“Eh, bakit ganyan ka makatingin? Nakakatakot naman.”
“Sorry ha, naninibago lang kasi ako sa iyo.Nag-iba na kasi mukha mo kumpara nung huli kitang nakita noon.”
“Oo alam ko, inaasahan mo yung madungis at hindi pala-ayos na bata. Yung naka-braces at salamin.”
“Mabuti nga at tinanggal mo na. Wag ka na ulit mag-salamin ha?”
“Teka, tama na ang bolahan na ito…Inaantok na ako. Babalik na ako sa kwarto ha. Kung gusto mo pang mag-MTV diyan, iiwan na muna kita.” She said as she raised her arms and yawned.

She was entering the cottage when Aldo called her.

“Leni!”
“Yes?”
“Good night. I mean, Good Morning, it’s 2 am already” He said chuckling.
“Ay ewan.Tulog lang ang katapat niyan.” Was all that Leni said.

No comments: