After the five hour trip from Manila, the four of them headed first to Aunt Juana’s house. Leni introduced them to her. While Leni was sleeping, her aunt took the chance to talk with Adam, Faith, and Red in the living room. While Red was browsing through the old photo albums, her aunt conversed with the two of them.
“How long did you know my niece?”
“We were classmates in college po.” Faith replied.
“By the way Tita, Leni and Red got back together. That’s why he’s with us.” Adam added.
“I see, bakit pala kayo nakasama?”
“Si Leni po kasi ayaw lumakad mag-isa.Tapos po,simula nung nag-trabaho kami, minsan na lang po kami mag-bonding kaya simantala na namin.Nandun po ba kayo nung libing ni Nanay?”
“Naku, wala ako nun, nasa Dubai pa ako. Hindi pa kasi ako pinayagan umuwi nung may-ari nung kumpanya namin.”
“Ahh, talaga po? Ano po ba ang naging trabaho niyo doon?”
“Manager ako sa isang hotel.
“Ahh kaya pala si Agatha, tumira kina Leni nung college siya.”
“Oo, alam ko kasi na mahal magpa-aral eh. Umuwi lang ako sandali nung namatay yung anak ko.”
“Ganun po ba? Eh, kailan po ba kayo umuwi dito ‘for good’?”
“Last year lang, Faith. Nag-retiro na kasi ako.Alam niyo,kahit mag-isa na lang ako ngayon sa buhay, hindi na ako nalulungkot”
“Bakit naman po?”
“Nandiyan naman si Leni, para ko na rin siyang anak.”
“Talaga po? Alam niyo po ba, binilin po siya sa amin ni Nanay bago siya mamatay. Nandun po kasi kami nung nangyari yun. Ang dami talagang, nagmamahal kay Leni, hindi lang niya alam.”
“Adam,Faith, hindi niyo siya masi-sisi, kasi hindi biro yung mga napag-daanan niya nung maliit pa siya. Kaya madalas, sumpungin, o kaya naman mabilis magtampo. Pero, mabait naman si Leni kahit ganun. Onting pang-unawa lang ang kailangan niya.
“Oo nga po medyo sumpungin nga si Leni. Kahit ganun po siya, totoo naman siyang tao.”
“Tita, kailan po ba tayo pupunta sa burol?”
“Pwedeng mamaya para sa huling lamay o bukas para sa libing. Pero, hintayin niyo na lang gumising si Leni para maka-decide kayo.”
“O sige po. Saan po ba namin ilalagay yung mga bag namin?”
“Faith, dun kayo ni Leni sa kwarto ni Agatha. Tapos, si Red at Adam, sa guest room. Magpahinga muna kayo, kung pupunta kayo mamaya sa lamay.”
When Faith placed her bag at the corner of the room, Leni woke up and yawned.
“Faith, what time is it?”
“It’s seven-thirty. Pupunta na ba tayo sa lamay?”
“Wag muna, magpahinga muna kayo. Hindi pa kaya ng loob ko.Nasaan sina Adam at Red?”
“Ahh ganun ba? O sige, ikaw ang bahala. Silang dalawa, nasa guest room. Leni, ang ganda pala dito noh?”
“Oo nga eh, si Tita Juana kasi mahilig sa halaman. Ang daming magagandang bahay dito. Actually, pinaka-magandang nakita ko dito yung bahay nila Aldo.Ang ganda ng garden nila. Doon tumatambay yung barkada nila Ate Agatha, tapos palagi akong kasama. Pero, saling-pusa lang. Wala kasi akong maka-laro dun eh.”
“Kaya ba naging-close ka kay Lolo Celso?”
“Oo, palagi niya akong nakikita na mag-isa, kaya kinakausap niya ako.Naalala ko tuloy nung tinuruan niya akong gumawa ng elesi. Sabi ni Aldo, palagi niya ako hinahanap nung hindi na ako pumupunta dito.”
“Talaga? Nakaka-tuwa naman. Alam mo, matagal na ka na naming kaibigan ni Adam. Pero, ngayon na nandito tayo, parang ang dami pa naming hindi alam tungkol sa pagkabata mo. Siyempre, college ka lang namin nakilala. Hmmm, siguro, yang si Aldo, maraming maiku-kwento.”
“Nyek! Baka ilaglag lang ako nun.”
“Goodluck Leni. Hahaha!”